Noon pa man, ang kabataan ang siyang pagasa ng bayan, nagsilbing liwanag ng pangarap, nagmistulang mga bituin sa langit, animo'y mga bumbilyang iba't-iba ang kulay. Maaaring maliit sa pantingin ng tao ngunit ito'y tila isang bombang handang magsabog ng liwanag sa kalawakan.Liwanag na siyang magaahon sa ating pagdating ng panahon.
Tama nga ang sabi ni Gat Jose Rizal. Ang kabataan ay siyang ngang pagasa ng bayan subalit magpasa hanggang ngayon pa ba'y buhay pa sila. May mga liwanag pa ba. May mga bituin pa kaya o baka nama'y nilamon na lamang ng kadiliman ng sangkatauhan.
Balikan mo ang nakaraan. Sariwain mo. Balikan mo ang mga panahong kung saan ang kanunununuan mo ay nabubuhay pa. 'Di ba't kay ganda ng buhay. Tignan mo. Tignan mo sila. Napakapayak, ordinaryo, payapa, ugali na punong-puno ng kulay na sa iyong imahinasyon lamang makikita. Opo rito, opo riyan, oho dito, oho doon, mano diyan, mano dito, halik sa pisngi at sa noo.
Ngayon tignan mo ulit sila. Bakit tila lahat ay nagbago. Ang payak ay naging komplekado, ang ordinaryo'y naging di-pangkaraniwan at lahat ay naging magulo. Ang mga opo, mano at maging paglilingkod sa Diyos ay walang kamalayang binura ng teknolohiya at modernisasyon. Paano pa kaya tayo makakabangon kung wala ng liwanag. Nasaan na ang mga bituing magaahon sa atin. May liwanag pa ba sa hinaharap kung ang mga bituin natin ay unti-unti ng napupundi.
Tumingin ka sa salamin kapatid at tignan natin kundi magdilim ang iyong paningin. Ikaw ay isa sa mga bituin na dapat magbigay ng ningning ngunit ito'y binabahiran mo ng itim. 'Wag kang mabakla sa katotohanang ang bayan natin ay unti-unti ng nagdidilim.
Gumising ka kapatid sapagkat ang pagasa'y naghihintay. Labanan ang kadiliman, magbalik-loob sa Diyos at tayo'y kanyang ihahatid sa kamalayan. Paliwanagin muli ang nagdilim na bayan, pagyamanin ang mga bituin at taas-noo nating harapin ang mga delubyong parating sa pagsapit ng dilim.
============================================================
Nakita ko lang habang nagaayos ng gamit kanina, noong high school pa 'ko nito. Hindi ko makita sa net 'yung author, wala kasing nakalagay dito sa papel. Kaya ako na nag-type. Gusto ko lang i-share sa lahat lalo na sa mga kabataan.
May Liwanag Pa Ba?
No comments:
Post a Comment