Monday, May 18, 2009

Mga Tanong Sa Buhay


Mga Tanong Sa Buhay
*bow*

Maraming tanong sa buhay ang lahat ng tao. Bakit ganun? Bakit ganyan? Aba e hanggang sa mamatay na ata tayo hindi pa din natin alam ang mga kasagutan sa mga 'to. Saan nga ba makikita ang sagot sa lahat ng mga tanong mo? Sa Google? Hindi din masasagot ng Google ang lahat ng mga tanong mo sa buhay. Bakit hindi mo nalang kaya itanong sa nanay o tatay mo? O hindi kaya sa pilay mong aso? Kahit kasi ako hindi ko din alam.

Lahat ng mga tanong ay sagot. May mga tanong na paulit-ulit lang at may mga tanong na hindi na kailangang sagutin. Sa mura kong edad ngayon, marami na agad akong mga tanong sa buhay. Isang adventure na din sigurong maituturing ang paghahanap ko ng mga sagot sa mga 'yun-- Life is one hell of an adventure.

Ang mga sagot e pakalat-kalat lang diyan sa daan, parang 25 sentimos na ini-isnab mo lang 'pag nadadaan o natapakan. Subukan mo umikot sa Quiapo, doon maraming sagot. Pwede kang magpahula o bumili ng kung ano-anong mga sinasabit sa katawan para suwertihin ka. Pero paano kung mamatay tayo na marami pang mga tanong na hindi pa nasasagot? Siguro 'yung iba kuntento na, just let it be, patay kung patay! "See you in hell na lang." Pero ako, hindi pa kuntento. Saan ko nga ba makikita ang ilan sa mga sagot? Para sa akin, sa langit. OO TAMA ANG NARINIG MO, SA LANGIT NGA. ('di ako galit)

"Heaven P're," tulad ng sinasabi mo 'pag high ka sa droga. Ma-alamat ang langit, marami ang nangangarap na makapunta dito at bawal mo dalhin ang mga bisyo mo doon. Kailangan close kayo ni San Pedro (hindi yung prof. ko sa college algebra ha) para maipuslit mo ang mga bagay na bawal sa langit. Pero ang ilan, kuntento na sa "langit" nilang matatawag katulad nito:

   Boy: Beh, sana lagi nalang tayo magkasama...
   Girl: Bakit naman? Para lagi tayong gagawa ng milagro?
   Boy: Oo, at feeling ko nasa langit ako 'pag kasama kiTA E, pa-kiss nga!
   Girl: Sweet talaga ng Be-be ko, ako impyerno nararamdam ko 'pag     kasama kita e.
   Boy: Sama mo naman, hu-hu-hu!
   Girl: Hindi! Kasi nagi-init ako 'pag kasama kiTA E...
   Boy: Ahh... Linawin mo naman kasi! 

Doon kasi sa langit, kitang-kita at dinig na dinig ko lahat ng mga nangyayari. Malalaman ko siguro ang mga sagot sa pagtingin ng istorya sa buhay ng iba't ibang mga tao. Sa buhay nila, may mapupulot akong aral at kasagutan. Nai-imagine ko na ang sarili ko na may hawak na telescope habang tinitignan ang mga buhay niyo. Malalaman ko na din ang mga maitim niyong mga sikreto. (bu-wa-ha-ha-ha) 

Pero may Langit, Impyerno o Purgatoryo nga ba? Sigurado ba akong sa langit ang punta ko? Totoo ba ang kinikilala nating diyos? Ano ba ang ginagawa sa Purgatoryo? Pinupurga ka siguro doon para kontra-bulate. Kawawa ang butas ng pwet mo doon! Tiyak Impyerno ang mararanasan mo. (hindi pa ako pinupurga kaya hindi ko alam ang feeling). 

Puro tanong pa din sa huli 'di ba? Basta ito lang ang sigurado ako, totoo ang mga anghel! Tignan niyo na lang si Angel Locsin. Para siyang anghel na mula sa langit na bumaba at naging girlfriend lang ni Luis Manzano. (p*tang *na sana ako na lang) At kung anghel na makasalanan naman ang gusto niyo, andiyan si Maria Ozawa. (oops! r-18 'yun).

Ito ang ilan sa mga 'di mabilang na mga tanong ko: 
1. Bakit ang sarap ng yelo sa Mcdo? Yung 'pag ubos na ang binili kong regular coke e pati yung yelo kinakain ko, walang patawad, simot talaga. (ganyan ka din ba?)

2. Bakit yung mga unanong madre napagkakamalang penguin? Try mo isipin itsura nila. 

3. Bakit 'pag wala ang mga babae e dugyot at gusgusin tignan ang mga lalaki? (ganyan ka-importante ang mga babae).

4. Bakit ang tunay na lalaki umiihi kahit saan? Lalo na ang mga Pinoy. (naging ganyan din ako dati)

5. Bakit ang daming barbero tuwing sasapit ang bagong taon? Yung mga gumagawa ng mga New Year's Resolution nila? 

6. Bakit may mga tindero ng suka na tino-toyo? At mga nagbe-benta ng ice tubig na nauuhaw. 


Hay pasensya kung kulang, 'yan na lang siguro masasabi ko sa ngayon. Pagod na ako at madami pa akong bagay na dapat isipin. 


Ikaw? OO IKAW NGA! Ano-ano ang mga tanong mo sa buhay? Sino ba ang mga anghel sa buhay mo? Napanuod mo na ba yung Angels and Demons? (ha-ha)

No comments:

Post a Comment