Tuesday, July 7, 2009
May Liwanag Pa Ba?
Monday, May 18, 2009
Mga Tanong Sa Buhay

Maraming tanong sa buhay ang lahat ng tao. Bakit ganun? Bakit ganyan? Aba e hanggang sa mamatay na ata tayo hindi pa din natin alam ang mga kasagutan sa mga 'to. Saan nga ba makikita ang sagot sa lahat ng mga tanong mo? Sa Google? Hindi din masasagot ng Google ang lahat ng mga tanong mo sa buhay. Bakit hindi mo nalang kaya itanong sa nanay o tatay mo? O hindi kaya sa pilay mong aso? Kahit kasi ako hindi ko din alam.
Lahat ng mga tanong ay sagot. May mga tanong na paulit-ulit lang at may mga tanong na hindi na kailangang sagutin. Sa mura kong edad ngayon, marami na agad akong mga tanong sa buhay. Isang adventure na din sigurong maituturing ang paghahanap ko ng mga sagot sa mga 'yun-- Life is one hell of an adventure.
Ang mga sagot e pakalat-kalat lang diyan sa daan, parang 25 sentimos na ini-isnab mo lang 'pag nadadaan o natapakan. Subukan mo umikot sa Quiapo, doon maraming sagot. Pwede kang magpahula o bumili ng kung ano-anong mga sinasabit sa katawan para suwertihin ka. Pero paano kung mamatay tayo na marami pang mga tanong na hindi pa nasasagot? Siguro 'yung iba kuntento na, just let it be, patay kung patay! "See you in hell na lang." Pero ako, hindi pa kuntento. Saan ko nga ba makikita ang ilan sa mga sagot? Para sa akin, sa langit. OO TAMA ANG NARINIG MO, SA LANGIT NGA. ('di ako galit)
"Heaven P're," tulad ng sinasabi mo 'pag high ka sa droga. Ma-alamat ang langit, marami ang nangangarap na makapunta dito at bawal mo dalhin ang mga bisyo mo doon. Kailangan close kayo ni San Pedro (hindi yung prof. ko sa college algebra ha) para maipuslit mo ang mga bagay na bawal sa langit. Pero ang ilan, kuntento na sa "langit" nilang matatawag katulad nito: